-- Advertisements --
balisacan

Umaasa si National Economic And Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na mag-appoint na si Pangulong Bongbong Marcos ng full-time Secretary ng Department of Agriculture.

Layon nito ay upang ma-address ang dekada nang issue sa industriya.

Magugunitang, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kanyang sarili bilang chief ng Department of Agriculture.

Iginiit nito na hindi siya magtatalaga ng isang Kalihim hangga’t hindi niya natatapos muna ang “lahat ng mahirap na bagay”.

Nang tanungin kung interesado si Balisacan, na isa ring eksperto sa agricultural economy, sa puwesto at kung sa tingin niya ay oras na para magtalaga ng Kalihim, sinabi niyang nasa posisyon ang Pangulo na tugunan ang ilan sa mga isyu.

Dagdag pa rito na ang sektor ay maraming isyu, maraming problema partikular ang investment issues, governance issues sa mga sektor, at institutional issues.

Ang iba’t ibang isyu na bumabagabag sa sektor ng agrikultura, tulad ng produksyon, ay nagpasigla sa pagtaas ng inflation nitong mga nakaraang buwan.