-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Commission on Apointments (CA) ang pagiging kalihim ni Karl Kendrick Chua sa National Economic Development Authority (NEDA).
Nagkasundo kasi ang mga CA members mula sa Senado at House of Representatives na lubos na kuwalipikado si Chua bilang socio-economic planning secretary.
Pinuri pa nila ang mga ito dahil sa hindi pagiging pkon sa pagsagot sa mga katanungan ng mga mambabatas noong mga nagdaang budget hearings.
Bago ang kaniyang kumpirmasyon ay tiniyak ni Chua sa mga mambabatas na handa nitong gampanan ang trabaho lalo ngayong panahon ng pandemiya.