-- Advertisements --

Nais ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magkaroon ng ligtas na pagbubukas sakaling ilagay na sa Alert Level 1 health restriction sa National Capital Region.

Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillion na kanilang suportado ang nasabing pagbaba ng nasabi Alert level sa NCR.

Mararapat na tiyakin ng gobyerno na ligtas ang lahat dahil ayaw nilang mangyari na magkaroon muli ng surge kapag niluwagan na ang NCR.

Sakaling mangyari ang paglagay sa Alert Level 1 ay magiging ito ang unang pagkakataon na mailagay sa nasabing Alert level ang NCR mula ng ipatupad ang panibagong alert system sa bansa noong Setyembre 2021.