-- Advertisements --
Tuloy-tuloy ang ginawa ng gobyerno para magkaroon ng mababang presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa.
Kasunod ito sa naging mas mababa ang inflation nitong Marso na mayroong 7.6 percent kumpara noong Pebrero na mayroong 8.6 percent.
Sinabi ni National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na kahit na mababa ang inflation ay nananatiling hamon pa rin ito sa gobyerno kaya nila ito tinututukan.
Isa sa nakikitang solusyon ay ang pagpapalakas ng purchasing power ng mga Pilipino lalo na ang mga nasa vulnerable sector ng ekonomiya na siyang pangunahing prayoridad ng gobyerno.