Nanatiling matatag ang National Economic and Development Authority sa kanilang pangako sa pagpapahusay research and development efforts.
Layon nito na isulong ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng inobasyon sa loob ng bansa.
Sa isang pahayag, binigyang diin ni NEDA Usec. Rosemarie Edillon ang pangangailangan para sa higit pang mga research and development output at upang gawing mas madaling ma-access ang mga ito sa mga mamumuhunan at mga merkado.
Ayon kay Edillon, isa sa mga unang hakbang upang madagdagan ang bilang ng mga output ng research and development ay ang pagtaas ng bilang ng mga mananaliksik.
Ayon sa Global Innovation Index, mayroon lamang 174 na mananaliksik sa bawat milyong populasyon sa bansa noong 2018.
Inamin din ni Edillon na habang marami nang research and development outputs na available sa bansa, ang mga ito ay dispersed na nagpapahirap sa mga market player na ma-access at magamit.
Sa pagbanggit sa National Innovation Agenda at Strategy Document 2023-2032, binanggit ni Edillon ang iba pang mga aspeto ng isang dynamic na innovation ecosystem na kailangan ding paunlarin upang pasiglahin ang research and development at sa huli ay ang inobasyon.