Kasunod ng mas mataas na namang inflation o ang bilis ng pagmahal ng mga bilihin at serbisyo sa bansa au tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagtugon sa inflation.
Ito ay kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang headline inflation o sa 8.1 percent noong December 2022.
Mas mataas ito kumpara sa naitala na 8 percent headline inflation noong November 2022.
Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, prayoridad ng pamahalaan ang pagtugon sa epekto ng inflation bilang bahagi ng 8-point socioeconomic agenda ng Marcos administration at Philippine Development Plan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagtitiyak food security sa pamamagitan ng pagpapaigting ng food production, pagsasaayos ng mga farm-to-market connectivity, at pagi-invest sa disaster resilience at climate adaptation measures.