-- Advertisements --
Pernia neda

Umaasa si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia na maipapasa ng Kongreso ang panukalang batas na mag-aamiyenda sa Public Service Act, sa Foreign Investment Act, at Retail Trade Act.

Pahayag ito ni Pernia matapos na iulat ng Philippine Statistics Authority noong Martes, Hunyo 11, na ang total merchandise trade ng bansa ay bumaba ng isang porsiyento sa $14.5 billion noong Abril 2019, mula sa dating $14.7 billion noong Abril 2018.

Ayon sa National Economic and Development Authority (Neda), resulta ito ng 1.9-percent contraction ng import bill.

Kaya naman para masuportahan ang export sector, sinabi ng kalihim na ang pagkakapasa ng “Trabaho” bill ay magiging modernize na rin ang tax regime ng bansa at magkakaroon din ng streamline sa grant ng fiscal incentives.

“With the passage of these reforms, we can leverage the Philippines’s attractiveness to both foreign and local investors. These investments can help our industry to improve production efficiency and product diversification,” ani Pernia.

Sinabi nito na mayroon nang pangangailangan ngayon para sa mga “game-changing actions” sa ilang piling domestic regulations, katulad n alamang ng streamlining sa issuance ng Food and Drugs Administration’s License to Operate and Certificate of Product Registration.

Ilan din aniya sa mga focus areas ay ang full implementation ng matagal nang hinihintay na National Single Window/TradeNet System, gayundin ang issuance ng matagal na ring hinihintay na joint administrative order para mapabuti ang efficiency sa movement ng mga cargoes at i-regulate ang international shippine costs.