-- Advertisements --
gary alejano magdalo
Rep. Gary Alejano, Magdalo partylist (FB photo)

CAUAYAN CITY – Iginiit ni Magdalo Representative Gary Alejano na polluted na ng fake news ang bansa kaya maraming mamamayan ang hindi alam kung ano ang tama sa mali.

Ito ang kaniyang naging kasagutan sa katanungan ng Bombo Radyo Cauayan sa nauna nang inihayag ni Operations Office Secretary Martin Andanar na dahil umano sa patuloy na pagpuna ng oposisyon sa pangasiwaang Duterte at pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kaalyado ang sanhi ng pagkatalo ng mga kandidatong oposisyon sa midterm election.

Hindi anya naniniwala si Alejano sa pahayag ni Kalihim Andanar bagkus ay kanyang sinabi na ang mga inilalabas na narcolist at fake news ng pangasiwaang Duterte ang dahilan kaya marami ang natatakot at ayaw umanib sa kanila bilang oposisyon ng kasalukuyang administrasyon.

Gayunman, sinabi niya na hindi man napasama ang otso deresto sa mga nanalong senador ay magpapatuloy sila sa kanilang adbokasiya na panindigan umano ang tama.