-- Advertisements --
Bombo Music Festival
Bombo Music Festival

TUGUEGARAO CITY – Nagsilbing inspirasyon ng isang Cagayana ang sariling karanasan sa pag-ibig sa pagsulat ng kanta na pasok sa Semi Finals ng Bombo Music Festival 2020.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay John Marie Mallongga, 18-anyos ng Barangay Nangalisan, Solana at composer ng awiting “Palusot”, sinabi niya na tatlong araw niyang isinulat ang kanta matapos ang pakikipaghiwalay sa kasintahan dahil sa pagiging two-timer.

Bukod sa may kasintahang iba, mahilig rin daw sa palusot ang dating kasintahan ni Mallonga tulad ng pagsasabi na may bisita ngunit ito na pala ay kanyang nililigawan.

Gayonman, sinabi ni Mallongga na sa halip na ipaglaban ang relasyon ay idinaan na lamang niya ito sa pagsusulat ng kanta kung saan dito niya nakuha ang pamagat at naisipang isali sa song writing competition.