Sinabi ni Commission on Elections Chairman (COMELEC) George Erwin Garcia na pinapayagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘negative campaigning’. Ngunit, nilinaw niya na maaari pa ring humarap sa kasong libel at cyberlibel ang isang kandidato o supporters kapag sumobra na sa negative campaigning.
Dagdag pa ni COMELEC Chairman Garcia, ang ‘negative campaigning’ ay nasa ilalim ng RA No 9006 o Fair Elections Act ng COMELEC Resolution 11086. Ayon dito malayang sabihin ng mga supporters ang ano mang pahayag, ito man ay pabor sa isang kandidato o kahit laban ito sa kanya.
Kaugnay pa nito, sinabihan din ni COMELEC Chairman Garcia ang mga kandidato na iwasan ang mga ganitong negatibong pahayag sa mga kanilang political rallies dahil hindi ito ang tamang platforms para rito. Aniya, panatilihin pa rin ang respeto sa kanilang pangangampanya.
Dagdag pa niya na wala sa hurisdiksyon nila ang mga gawain o mga sasabihin ng mga supporters o mga kandidato man yan katulad na lamang ng kamakailang nangyari na palitan ng mga tirada ni Former President Rodrigo Duterte at President Ferdinand Marcos Jr. Aniya, bahagi ito ng kanilang freedom of expression. Ngunit nilinaw niya na maaari pa rin silang humarap sa mga kasong libel o cyberlibel at maaari ring imbestigahan ng iba pang ahensya ng gobyerno ang kanilang mga sinabi.