-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang negosasyon para sa free trade agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na naghahanda na sila para sa nasabing pag-uusap sa darating na taon.
Kailangan aniya ng go-signal mula sa US Congress na payagan ang kanilang US Trade Representative na simulan na ang negosasyon sa Pilipinas.
Ang FTA ay isang kasunduan ng dalawang bansa o higit pa para mabawsan ang anumang hadlang sa imports at exports products.