-- Advertisements --
Patuloy umano pakikipagnegosasyon ng gobyerno ng Pilipinas para sa pagpapalaya sa 11 Pilipinong mandaragat na dinukot ng pinaghihinalaang mga pirata sa West Africa.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, batid na nila ang kanilang mga pagkakakilanlan at nasa mabuting kamay naman aniya ang naturang mga Pinoy.
Tumanggi naman si Bello na magbigay pa ng karagdagang mga impormasyon dahil baka makompromiso ang negotiation process.
Una rito, siyam na mga Pilipinong mandaragat ang dinukot sa bansang Benin noong Nobyembre 2.
Habang ang dalawang iba pa ay napasakamay ng umano’y mga pirata sa bansang Togo makalipas ang isang linggo.