Umaabot na umano sa 28 na logistics at cold chain providers ang nakausap ng gobyerno para sa storage ng mga bibilhing bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Testing Czar Vince Dizon na miyembro din ng NTF Vaccine Cluster, may lima pang kompanya ang kanilang kinakausap para sa nasabing cold storage facilities.
Ayon kay Sec. Dizon, espesyal ang mga kinakailangang pasilidad na tinatawag na pharma-grade cold storage chain.
Kasama rin umano sa kakausapin ng gobyerno ang mga cold chain associations sa bansa para makatuwang sa mga lalawigan.
Bukas, sisimulan na nina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang ocular inspections sa mga cold storage facilities bilang paghahanda sa pagdating ng mga COVID-19 vaccines.
Kabilang ang pupuntahan ang Unilab sa Biñan, Laguna; RITM sa Muntinlupa City at Zuellig sa Parañaque City.