-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Edwin “Bon-Bon” o “Bon Jovi Sindatok Edzla,dating tumakbong Municipal Councilor sa bayan ng Datu Piang Maguindanao ngunit hindi pinalad.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza na sakay ang biktima sa kanyang minamanehong Isuzu DMax Pickup na may plakang LFJ 269 sa Quezon Avenue Barangay Poblacion 5 Midsayap Cotabato nang bigla itong dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin na sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Patay on the spot ang biktima ng magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Kinondena naman ni Midsayap Mayor Rolly “Ur the Man”Sacdalan ang pamamaril patay sa biktima.

Giit ng alkalde, personal siyang naalarma sa patuloy na patayan nitong mga nakaraang araw sa loob mismo ng kanyang lugar na nasasakupan.

“With the latest incident happening along Quezon Avenue today, I was prompted to call the attention of our law enforcement. Sa puntong ito, patuloy ang ating masinsinang imbestigasyon at pag-aaral sa mga karahasang nangyayari sa ating bayan,” ani Mayor Rolly Sacdalan.

Dagdag pa ng alkalde, “my intention is clear: this has to stop. Violence has no place in the booming and happy town of Midsayap nor it will disrupt the life of our peaceful community.”

Kasabay ng pahayag ang pagsiguro ni Mayor Rolly Sacdalan sa pagsasagawa ng heightened measures upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan.

Binigyang diin din niya sa kanyang Facebook post na ang pagsiguro sa ‘peace and order’ ang isa sa pundasyon ng kanyang administrasyon.

Rido o personal na alitan naman ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.