-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante at sugatan ang kanyang anak kabilang na ang kanyang asawa sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Nakilala ang biktima na si Rasid Abdul,isang motor rider at may-ari ng RJ Grafix sa bayan ng Shariff Aguak Maguindanao Del Sur.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Noel Sermese na pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek ang biktima sa loob ng kanyang tindahan at nadamay pa ang kanyang anak pati asawa.

Agad namang tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Cotabato City.

Dinala sa pagamutan ang mga sugatan ngunit hindi na umabot ng buhay si Rasid matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Mariing kinondena ng ng LGU Shariff Aguak sa pangunguna ni Mayor Datu Akmad “Mitra” B. Ampatuan ang pagpaslang sa negosyante.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Shariff Aguak PNP sa pamamaril patay sa biktima.