CAUAYAN CITY –Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng Roxas Police Station sa pagkakatagpo ng bangkay ng isang negosyante at isang saleslady sa loob ng sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan sa San Antonio, Roxas, Isabela .
Ang mga biktima ay sina Thomas Gregocha, 59 anyos, balo, negosyante, residente ng Rizal, Roxas, Isabela at Crispina Gragasin, 19 anyos at residente ng Nueva Era, San Manuel, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni Police Major Arturo Cachero, OIC Chief of Police ng Roxas Police Station na sa kanilang pagtugon ay natagpuan ang dalawang biktima sa harapan ng upuan ng Toyota pick-up na may plakang AJA 1218.
Aniya, nalaman nila ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa pamamagitan ng mga ID na nakuha ng mga kasapi ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).
May tama ng bala ng baril ang kanang bintana ng sasakyan at natagpuan din sa loob ng sasakyan ang dalawang basyo ng bala, isang slug at isang 9mm armscor.
May tama ng bala ng baril ang kaliwang bahagi ng ulo ng babae habang sa kanang bahagi ng ulo ni Gregocha.