-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patay ang isang negosyante at umano’y kasapi ng Dawlah Islamiyah sa magkahiwalay ng police operation matapos nanlaban sa mga otoridad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Major Rommel Hitalia, deputy chief of police ng Polomolok Municipal Police Station na kapwa nanlaban sa operating team ang mga suspek gamit ang kani-kanilang mga baril na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Roberto Chavez Suerte, 41, isang negosyante at Roy Cañete, umano’y kasapi ng local terrorist na Dawlah Islamiya na kapwa residente ng Polomolok South Cotabato.

Ayon kay Hitalia, kaninang alas-4:00 ng madaling araw pinasok at isinilbi ang Search Warrant sa pamamahay ng mga suspek ngunit dahil nanlaban ang mga ito nagkaroon ng putukan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Nakuha kay Suerte ang isang 38 revolber at malaking sachet ng pinaniniwalaalng droga at mga drug paraphernalia naman kay Cañete.

Napag-alamang si Suerte ang may mga sasakyan na pinarentahan sa Dole Philippines.

Sinabi naman ni Gloria Suerte Ina ng biktima na tanging negosyo lamang ang tinututukan ng anak dahil marami ang kanyang mga driver na umaasa sa biktima.