-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang akusasyon ng isang negosyante na binugbog umano ni Vice Mayor Francis Espiritu.

Base sa salaysay ni Froilan Suniga, lumabas siya sa kanilang bayan dahil may inasikaso Laoag City.

Noong bumalik siya sa Dumalneg ay ayaw na siyang papasukin kahit nagbigay ang Provincial Agriculture Office ng dokumento na maari itong maglabas-pasok dahil essential goods ang kanyang negosyo.

Dumating sa checkpoint si Espiritu at agad na sinuntok at sinipa si Suniga.

Pinayuhan pa ng kanyang bodyguard si Suniga na tumakbo paalis pero sinundan pa rin daw ito ni Espiritu.

Nang maabutan, binugbog ulit ng opisyal si Suniga at pinagbataan pa.

Pinuna naman ni Suniga si Pol. Lt. Joselito Rigates, chief of police ng PNP-Dumalneg, dahil sa hindi nito pag-awat sa insidente