-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Cristina Corpuz Reyes, hiwalay sa asawa at residente ng Antipas Cotabato.

Ayon sa ulat ng Kabacan PNP galing sa court hearing ang biktima at palabas na sa Municipal hall ng Kabacan Cotabato lulan ng kanyang sasakyan.

Bigla na lamang dinikitan ang biktima ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Matalam Cotabato.

Dinala ang biktima ng kanyang driver sa Mindanao Doctors Hospital Cancer Center Incorporated sa bayan ng Kabacan pero kalaunan ay binawian rin ito ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan MPS sa pamamaril patay sa biktima.