-- Advertisements --
(Update) GENERAL SANTOS CITY – Patuloy pa ngayong inaalam ang mga responsable sa pagpatay sa negosyante na isa ring pastor na binaril sa gitna ng prayer meeting sa loob ng Foursquare Church sa Zone 2, Purok San Roque, Brgy Labangal sa lungsod, kagabi.
Kinilala ni Chief Inspector Ananias Vasquez, hepe ng Makar Police Station, ang biktima na si Francis Nadar, 40, residente ng Manatad, Polomolok, South Cotabato.
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente pasado alas-6:00 ng gabi nitong nakalipas na Martes.
Kasama umano ng biktima ang kaniyang asawa, nang barilin ito ng riding in tandem criminals, na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Patuloy rin namang iniimbestigahan pa ang motibo sa nasabing krimen.