-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang hot pursuit operation upang mahuli ang riding-in-tandem suspects na bumaril-patay sa isang negosyante sa Barangay Poblacion, Calinog, Iloilo.

Ang biktima ay si Placido Bernabe, residente ng Brgy. Bario, Calinog, Iloilo na nagtamo nga malalang sugat sa likuran na sanhi ng kanyang pagpakamatay.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Dadje Delima, chief of police ng Calinog Municipal Police Station, sinabi nito na nakasakay sa motorsiklo ang biktima ng binaril ng mga suspek na nakasuot ng helmet.

Ayon kay Delima, nanggaling sa Holiday party ang biktima ng mangyari ang krimen.

Isa rin sa mga tinitingnang anggulo sa krimen ay ang kaugyanan sa negosyo ng biktima na pagbebenta ng kawayan at ukay-ukay.