-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang negosyante matapos ang isinagawang sekswal na pang-aabuso niya sa menor de edad na lalaki sa Eagle Crest, Phase 3, Bakakeng Norte, Baguio City.

Naihain sa negosyante ang kasong rape at paglabag sa RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act

Ayon sa imbetigasyon ng mga otoridad, nasa iisang bubong ang negosyante at ang menor de edad na biktima.

Nalaman ng mga otoridad na hinikayat ng negosyante ang biktima na tumira sa tahanan nito sa Bakakeng Norte sa Baguio City upang pag-aralin.

Dahil dito, agad na sumama ang biktima at nakitira sa iisang bubong kasama ang negosyante.

Nalaman rin ng mga otoridad na mahigit isang buwan nang inaabuso ng negosyante ang menor de edad.

Ayon sa reklamo ng biktima, nagsimula ang pag-abuso ng negosyante sa kanya noong Hunyo 8 hanggang Agosto 8 ngayon taon.

Inamin ng biktima na natakot siya sa negosyante, dahilan para hindi niya agad inireport ang nasabing insidente.