ROXAS CITY – Tikom ang bibig ng isang negosyante matapos itong makuhanan ng mga baril at daan-daang bala, sa isinagawang search warrant ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Capiz, sa Sitio Puntod, Brgy. Dinginan, Roxas City, Capiz.
Kinilala ang naaresto na si Adoni Guillergan, 50 taong gulang at residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Danilo Matahum ng CIDG-Capiz sinabi nito na may nagpaabot na reklamo sa kanilang tanggapan na diumano’y nagtatago ng hindi lisensiyadong baril si Guillergan, na agad naman nilang isinailaim sa surveillance at inalam sa Firearms and Explosive Division sa Camp Crame kung may nairehistro na baril ang negosyante, ngunit naging negatibo ito.
Dahil dito, matapos ang dalawang linggo, hinalughog ang bahay ng negosyante at nakuha sa kanyang kuwarto ang isang unit ng super Caliber .38 Colt pistol na may magazine at 72 bala, M16 Rifle may magazine at 28 na bala, ngunit hindi inaamin ni Guillergan na sa kanya ang mga baril.
Ipinagtataka rin ng otoridad na may M16 rifle si Guillergan, gayong militar o pulis lamang ang otorisadong magkaroon ng ganitong baril.
Matalunsay rin itong sumama sa otoridad at sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng CIDG-Capiz para sa paghahain ng kaukulang kaso.