TACLOBAN CITY – Patay ang isang negosyante samantalang sugatan naman ang asawa nito sa nangyaring pamamaril sa bahagi ng Lawaan sa Eastern Samar kagabi.
Kinilala ang namatay na si Marvin Tiozon, 55, samantala sugatan naman ang asawa nito na si Jennet Tiozon, 53, kapwa mga negosyante sa naturang lugar.
Sa panayam mula kay S/Sgt Garry Palaña, duty investigator ng Lawaan MPS, habang papalabas ng kanilang canteen ang mag-asawa ay bigla ang mga itong pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek.
Maswerte naman na nakatakbo ang babae na patuloy na nagpapagaling sa isang hospital sa Tacloban.
Napuruhan sa ulo ang lalaki na naging dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay.
Patuloy namang inaalam ng mga otoridad kung ano ang naging motibo mula sa naturang insidente.