-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang rice trader sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang binawian ng buhay na si Lione Jocel”toto”Carmona, 54 anyos,may asawa na residente ng Barangay Fort Pikit habang sugatan naman si Ferdinand Vega, 56 anyos, may asawa,kapwa mga negosyante ng bigas.

Ayon kay Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miredel Calinga ,nakaupo at nagbabantay lamang si Carmona sa kanyang bigasan sa loob ng public market ng Pikit Cotabato ng pagbabarilin ito ng hindi kilalang mga suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Tinamaan naman ng mga ligaw na bala si Vega na nakatayo malapit sa tindahan ni Carmona.

Mabilis na tumakas ang mga susdpek sa likurang bahagi ng palengke at sumakay ng motorsiklo.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit MPS sa pamamaril sa mga biktima.