-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang negosyante matapos nakuryente sa Brgy. 22, San Guillermo, San Nicolas, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Jerry Baga y Cruz, 43-anyos, may asawa, negosyante, residente sa nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang nagwewelding ang biktima sa bahay niya ay aksidenteng nakuryente at nahulog kung saan tumama ang kanyang ulo sa semento.

Dinala agad ang biktima sa Black Nazarene Hospital pero naideklara itong dead on arrival sa pamamagitan ni Dra. Anne Margarette Abuluyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman kung paano nakuryente si Baga.