-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Hadji Thong Mokamad,50 anyos,may asawa at residente ng Lugay Lugay Barangay Bagua 1 Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya na nakatayo lamang ang biktima sa loob ng kanyang tindahan sa Alejandro Dorotheo at Don Rufino Alonzo Street Barangay Poblacion 6 ng lungsod ng ito ay lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa di malamang direksyon.

Agad dinala ang biktima ng kanyang mga kamag-anak sa Cotabato Peureculture Center General Hospital Foundation at inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).

Makalipas ang isang oras ay binawian ng buhay ang negosyante nang magtamo ito ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

Personal na alitan at silos sa negosyo ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.