-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ronald Fernandez Jaso, 36 anyos, binata, businessman at residente ng Purok 6 Barangay New Cebu President North Cotabato.

Ayon kay President Roxas Chief of Police Major Jojie Barotas na lulan ang biktima sa kanyang sasakyan matapos magload ng banana crates sa Purok 3 Brgy New Cebu di kalayuan sa kanyang tahanan ng itoy pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng President Roxas.

Naisugod pa ng mga nagrespondeng pulis ang biktima sa President Roxas District Hospital ngunit binawian rin ito ng buhay nang magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa biktima at patuloy pa silang nag-imbestiga.