-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay sa pamamaril ang isang negosyante dakong alas 6:05 nitong gabi ng Linggo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Rolando Lacorte Mangco,57 anyos,may asawa at residente ng Confessor Street Purok 3A Barangay Poblacion Antipas Cotabato.

Ayon sa ulat ng Antipas PNP na papasok na sana ang negosyante sa bahay nito nang bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Antipas.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Antipas MPS sa pamamaril patay sa biktima.