-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay sa pamamaril ang isang negosyante sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Mark Anthony Galindo na residente ng Sitio Dilion, Brgy. Poblacion, Arakan, Cotabato.

Ayon sa ulat ng Arakan PNP,pababa na sa kanyang sasakyan ang biktima at papunta na sana sa kanyang bahay nang dumating ang

Riding in tandem suspects at itoy pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Arakan.

Naisugod pa sa Arakan District Hospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang Arakan PNP sa pamamaril patay sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.