CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang fish vendor sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Montasser Akad na residente ng Barangay Magatos, Kabacan, Cotabato.
Ayon sa ulat ng Kabacan PNP, sakay ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo angkas ang kanyang asawa kasama ang dalawang menor de edad na anak sa national highway ng Barangay Kayaga sa bayan ng Kabacan ng ito ay dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Maguindanao.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan habang ligtas ang kanyang asawa at dalawang anak.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan PNP sa pamamaril sa biktima.