-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang lalaki sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Allan Mohammad na residente ng Cotabato City.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Christopher Panapan na habang naglalako ng kanyang panindang kitchen wares ang biktima sa Barangay Pinguiaman Datu Odin Sinsuat Maguindanao ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga salarin lulan ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng DOS PNP sa pamamaril patay sa biktima.