-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- May sinusundan ng motibo ang pulisya sa pamamaril patay sa isang negosyante sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jonathan Flores Cagas, 36 anyos, fish vendor at residente ng Brgy Luna Norte Makilala North Cotabato.

Ayon kay Makilala Chief of Police, Major Arniel Melocotones na habang nakatayo lamang ang biktima sa harap ng kanyang bahay ay bigla itong nilapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Makilala.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Bago pinatay ang biktima ay may dati na itong kasong murder sa Davao City ngunit na-dismiss dahil hindi sumipot ang mga testigo at may kinakasama rin ang negosyante na may asawa na pero hindi legal ang kanilang paghihiwalay.

Sa ngayon ay may mga person of interest na iniimbestigahan ang Makilala PNP sa pamamaril patay sa biktima.