-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang negosyante sa nangyaring pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Samsudin Dalandangan, 34, may asawa, dating nakatira sa Barangay Balabak, Pikit, Cotabato at ngayon ay sa bayan ng Carmen.

Ayon sa ulat ng Matalam PNP, minamaneho ng biktima ang isang Bongo truck na may plakang JAG-7384 mula sa Kidapawan City pauwi na sa bayan ng Carmen ngunit pagsapit nito sa Barangay Dalapitan, Matalam, Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Kidapawan City.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa pagpatay sa negosyante.