-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Alitan sa negosyo ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa isang negosyante sa Tacurong City.

Nakilala ang biktima na si Glenn David Tranquellero, 40 anyos, may asawa, at residente ng Barangay Kalandagan Tacurong City.

Ayon kay Tacurong City Chief of Police Lieutenant Colonel Joan Maganto na lulan ang biktima sa kanyang minamanehong pick-up truck sa national highway Barangay EJC Montilla Tacurong city ng dikitan ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nagawa pa ng biktima na patakbuhin ang kanyang Ford Raptor patungo sa detachment ng mga sundalo at humingi ng tulong.

Agad dinala ng mga sundalo ang biktima sa pagamutan ngunit binawian rin ito ng buhay pagkatapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacurong City PNP sa pamamaril patay sa biktima.