-- Advertisements --

La Union – Patay ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin ng hindi salarin sa tapat ng Lorma High School Campos alas 10:25 kaninang umaga sa kahabaan ng Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union.

Nakilala ang biktima na si Ronnie Rivera, isang negosyante at residente ng Barangay Butubot Sur, Balaoan, La Union.

Sa initial na imbestigasyon ng San Juan Police Station, nasa paradahan ang biktima nang linapitan at pinaputokan ng isa sa mga suspek ng maraming beses at agad tumakas sakay ng motorsiklo na nag-aabang sa harapan ng paaralan.

Nang dumating mga nagrespondeng otoridad ang biktima ay naitakbo na sa Lorma Medical Center, San Fernando City sa lalawigan para magamot ngunit idineklarang dead on arrival alas 10:52 ng umaga ng attending physician na si Dr. Mark Anthony M Caccam.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung ano ang motibo at pagkakakilanlan sa mga suspek.