-- Advertisements --

Patay ang isang negosyante sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ronie Gornez Cedeño, 50 anyos, may asawa, buy and sell ng copra at residente ng Barangay Ginatilan Pikit Cotabato.

Ayon sa report ng Pikit PNP lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Brgy Ginatilan na bigla itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek na nag-aabang sa gilid ng kalsada gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay rin ng motorsiklo at tangay ang malaking halagang pera na dala ng biktima.

hindi naman kinuha ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima na agad binawian ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Pikit MPS sa naturang pangyayari.