-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si si Marlin Soriano, 38-anyos,Businesswoman at residente ng Purok 5 Brgy. Pacao, Alamada, Cotabato.

Suspek naman sa pamamaril ang kanyang live-in partner na si Mateo De Lima.

Ayon kay Alamada chief of Police Major Bryan Espinosa na nagkaroon ng pagtatalo ang maglive-in partner na humantong sa pamamaril.

Agad namang tumakas ang suspek lulan n g kanyang motorsiklo.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng Alamada PNP ang suspek at sasampahan ng kasong murder.