-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on arrival sa pagamutan ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Evit Cocal,52 anyos, may asawa,fish vendor habang nakaligtas ang kanyang bayaw na si Romy Cañete Bacos, 41, pawang mga residente ng Barangay Nalin 1 Midsayap Cotabato.

Ayon kay Aleosan Chief of Police Captain Arvin John Cambang habang sakay ang mga biktima sa isang payong-payong na motorsiklo sa Brgy Dungguan Aleosan Cotabato ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Naisugod pa sa pagamutan si Cocal ngunit hindi na ito umabot ng buhay habang nakaligtas si Bacos.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Aleosan PNP sa pamamaril patay sa biktima.