-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril ng riding in tandem suspects sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si George Estanio Caw-it 57 anyos, may asawa at residente ng SK Pendatun Street Mother Barangay Poblacion Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya,na habang kumakain ang biktima sa pag-aari nitong balbacuahan na bigla itong lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumalilis ang mga suspek sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng City PNP sa pamamaril patay sa biktima.