-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Mohammad Tungao,50 anyos,may asawa at residente ng Cotabato City.
Ayon sa ulat ng pulisya, na naglalakad umano ang biktima sa SPDA Datu Odin Sinsuat Maguindanao ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola at 9mm pistol.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng tatlong motorsiklo.
Nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan ang biktima at agad binawian ng buhay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat PNP sa pamamaslang sa negosyante.