-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Danny Cabuyao,45 anyos, may asawa at residente ng Purok Narigta 1 Barangay Salunayan Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police, Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na nakatayo lamang ang biktima sa harap ng kanyang tahanan ng biglang dumating ang riding in tandem suspects at pinagbabaril ito gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan sa isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Midsayap.

Patay on the spot ang biktima ng magtamo ito ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang Midsayap PNP sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.