CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Democracy Trinidad Doctolero, 44 anyos,may asawa,fruit vendor na residente ng Sitio Corella Barangay Poblacion Makilala Cotabato.
Ayon kay Makilala Chief of Police,Major Arniel Melocotones na bibili sana ng lechong manok ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa Garcia Street Barangay Poblacion Makilala Cotabato ng itoy biglang lapitan ng suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang suspek at sumakay sa naghihintay na get away car.
Patay on the spot ang negosyante nang tamaan ng bala sa kanyang ulo.
Marami rin ang napaluha nang yakapin na tatlong bata ang kanilang amang duguan at umiiyak.
Isa sa mga ito ang sumisigaw na bakit binaril ang kanilang ama na wala naman itong atraso o kaaway.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Makilala PNP sa pamamaslang sa biktima.