-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Marissa Bautista, 46 anyos, may asawa at residente ng Barangay Poblacion, Matalam North Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na nagpanggap pa umanong bibili ng sigarilyo ang suspek bago pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang suspek at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasamahan.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Blangko pa ang mga otoridad sa pamamaril patay sa negosyante at patuloy pa silang nag-iimbestiga.