DAVAO CITY – Inihanda na ang kaso laban sa isang negosyante sa Davao na nagmamantine umano ng drug den.
Ayon kay Atty. Ben Joseph Tesiorna, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-11, matagal na nilang minamanmnan ang target ng drug operation na sina alyas Novie Ortaleza at alyas Benjie, 48-anyos.
Nabawi rin mula sa kanila ang apat pang pinaghihinalaang sachet ng shabu na aabot sa 15 gramo na nagkakahalaga ng P225,000 ang mga drug paraphernalia.
Matagal na umanong minamanmanan ng PDEA ang suspek na si Benjie na diumano’y ginagawa na ring drug den ang kanyang bahay.
Nahuli rin ang apat pa niyang kasama kabilang na ang isang alyas Bruno, retired Philippine Marine Master Sergeant Romeo Abog, 50, na nakitaan ng isang armas.
Nilinaw ng PDEA na nadakip nila ang suspek sa tulong ng mga concerned citizens.
Napag-alaman na kinuha ng suspek si Bruno bilang kayang protector.
Pero ayon kay Bruno, nagluluto lamang sila ng pagkain para sa anak ni Benjie.
Inamin naman ni Benjie na kinuha niya si Bruno bilang protektor para sa kanyang negosyo at hindi sa illegal drugs.