-- Advertisements --

LAOAG CITY – Arestado ang isang negosyante sa bisa ng isang warrant of arrest sa Barangay Kiling Sur sa lungsod ng Batac dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Nakilala ang suspek na si Steve Paulo Lozero y Ramos, 31-anyos, may asawa at residente rin sa nasabing barangay.

Ang isinilbing warrant of arrest ay ipinalabas ni Hon. Judge Ma. Corazon Labrador sa RTC First Judicial Region Branch 18 sa nasabing Lungsod dahil sa kaso ni Lozero na estafa.

Inirekomenda ng korte ang P20,000 na piyansa ni Lozero para sa temporaryo nitong kalayaan.