-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Gregorio Ilagan Resurreccion, 52-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na habang nanunuod ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanyang tindahan ng biglang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Pinagbabaril ng mga ito sa malapitan ang biktima na tinamaan sa kanyang ulo at leeg na agad namang itinakbo sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang motibo sa naturang pamamaril.