-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Malubha ang kalagayan ng isang negosyante sa pamamaril alas 8:30 nitong gabi ng Miyerkules sa Cotabato City.
Nakilala ang biktima na si Saidona Tulag,36 anyos,may asawa at residente ng Purok Masigay, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.
Ayon sa ulat ng pulisya,nagbabantay lamang ng tindahan ang biktima nang lapitan siya ng di kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.
Agad dinala ng mga kamag-anak ang biktima sa pagamutan at nasa maselang kondisyon.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril sa biktima.