-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patuloy na bineberipika ng pulisya ang kinalaman ng isang babaeng negosyante na binaril-patay sa Arellano St., Brgy. Zone 3, Koronadal City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Koronadal PNP chief of police PLt. Col. Joefel Siason, kanilang inaalam kung mayroon bang kaugnayan ang nasawing biktima na si Ruby Garcia, sa grupo ng isang organisadong grupo ng mga scammers.

Ito’y dahil napag-alaman na nadakip ito noong Agosto 3 sa kasong estafa ngunit nakapiyansa.

Dagdag pa ni Siason, posibleng personal grudge o robbery umano ang kanilang mga tinitingnang motibo makaraang kinuha ng suspek ang bag ng biktima bago tumakas.

Una rito, papauwi na sana si Garcia kasama ang mister nito sa kanilang bahay sa Barangay Carpenter Hill nang binaril ito ng gunman sa kaniyang ulo na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon ay palaisipan pa sa kanila kung sino ang suspek na gumawa ng krimen at ang direksyon na tinahak ng mga ito matapos ginawa ang pamamaril.