-- Advertisements --

(Update) BUTUAN CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at Commission on Elections (Comelec) gun ban ang nahuling negosyanteng Hapon at limang Pinoy na kasamahan nito matapos maharang kahapon ang kanilang sasakyan sa Brgy. Ampayon sa Butuan City.

Nakilala ang dayuhan na si Yuwitshi Sasaki, 77, may asawa at kasalukuyang nakatira sa Don Pedro corner Arellano Sts., Metro Manila.

Ang kanyang mga kasamahang Pinoy ay nakilala namang sina Christopher Duazo, 30, binata, driver at residente ng Purok 8, Brgy. Tolosa, Cabadbaran City, Agusan del Norte; Ronnie Salahay, 38, magsasaka, residente ng Purok 8, Brgy. Padiay, Sibagat, Agusan del Sur; Nelson Mabandos, 36, ng Purok 1, Brgy. San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur at Julius Mabandos, 39, negosyanteng tribal leader at residente ng J. Satorre St. Emelia Highway, Brgy. Holy Redeemer sa Butuan.

Nakuha mula sa sasakyan ang isang 12-gauge shotgun na binalot pa ng sako at itinago sa ilalim ng upuan pati ang 13 bala nito, isang kalibre .45 na pistola na inilagay din sa passenger seat at pitong mga bala kasama na ang isang kulay itim na holster.

Ayon kay Captain Emerson Alipit, may pupuntahan umanong abaca ang grupo nang sila’y maharang sa checkpoint.